Now that we have a new administration waited to do their magic on our country, try to digest this insight from a fellow Filipino who wants better future for our nation...do we really depend everything to the government???
Narinig mo na ba ito: "Libre lang ang mangarap."
Pag mukhang walang direksyon ang buhay mo, sasabihin nila,"wala ka man lang
kaambi-ambisyon!"
Pag andami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila,"ambisyoso ka!" Ayos
ba?
May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang
buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas
masahol pa.
Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya'y pumunta sa Dubai at Italy o
kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo… Musta kaya ang buhay sa call center
sa bandang Libis o Ortigas? O kaya yung teller ng banko sa Makati . Ano ba ang
kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa
din.
Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan,
marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami
pa din ang hindi nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay
mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!
Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng kalayaan, subukan mong
isalin sa ingles ang salitang ito – freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito,
bakit may Ninoy, bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay?
Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.
May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang
milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala
lahat ang kabuhayan. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way,
nawala ang focus niya.
Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila,
"black sheep" ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy
sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng
engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang
limang kaibigan at kapamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang
makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?
Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. Saan na siya ngayon? Nag
to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa
pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng
Law. Sabi ng mga apo at anak, "Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa
bahay." Sagot niya, "Ubingak pay! (bata pa ako)." Nakinig ba siya? Hindi! Ayun
pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!
Ano, hihirit ka pa?
Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at
lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, "Labing pitong taon na akong clerk, wala
pang nangyari sa buhay ko!" Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun ah! I got
scared. Sabi ko, "Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan,
libro na puedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan." Ang
kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, "Busy ako sa work eh!" She was
practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na
tanong, "Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make
us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa
susunod na mga taon?"
Ang karayom, pag tinusok sa 'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang
karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing,
"Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems
Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?"
The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where
you want to be. It is owning it. `Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa
gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi
is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na
syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa halagang Php10,000 tapos ibebenta ka
sa halagang Php100,000. Yan ang harap harapang prostitusyon!
Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng
pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard
sa akin noon. Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko,
kaya security guard na din ako. Sabi ko, "Ayaw mong maging chief of
police?" But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng
kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and
say, "Eto ang kapalaran ko."
Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o
matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami.
Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, "Sama-sama na lang
tayo dito!" This one really scares me! O nagsasabing, "Ambisyoso ka!" `Tol, at
the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong
utangan sila. It' not about lacking in resources, it is about resourcefulness.
I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay
natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging
may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, "Bat di mo ako kinakausap?"
Sagot ko naman, "There is nothing good to say!" Lagi akong nagtatanong, "Is this
person going to make a good influence sa buhay ko?" Syempre, yan din ang lagi
kong tanong sa sarili ko.
Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And
you can't go to the same school as the duck's school.
Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of
Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in
survival mode or is your life accelerating? Pareho ba maxed up credit card niyo?
Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas
pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together?
There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress
rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends,
you better run away from them!
Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new
canvass. Choose the colors! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago
yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa. Dapat may internal change muna.
You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng
gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa
paligid mo. Everyday decision yan.
Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into
focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe
will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the
universe respond to deserved, not need, not want.
Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know
what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break
you. Don't let anyone live your life and drive you where they please. Like a
boss with a stick and a carrot dangling at the other end. The only person who
can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not
between you and the other person. It's the devil inside you that doesn't want
you to grow.
Make a decision to change wherever you are. Don't wait for someday. Someday,
someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO
CHANGE!
Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I'll walk with you.
Ano, kelan tayo magsisimula?
You already know everything you need to know about success. All you have to do
is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from
the couch and do something!
No comments:
Post a Comment